Top Ad 728x90

17 December 2018

,

πŸ‘‘ Dear Miss Universe 2018 Philippines , Catriona Gray!


Hi Cat,

Oh diba? Pag address palang – akala mo close na.

Wag kang mag alala , sumusulat ako sa iyo hindi humingi ng donation, hindi rin ako maglalahad ng story ng buhay ko (kasi kay Charo lang yun!).

Gusto ko lang malaman kung ano ang ibig sabihin ng silver lining na iyan?

Sabi kasi ni Ethel Gabison, foil bay an?

Sabi naman ng iba, yung mga runner ups mo ba yan?


Pero napapa google talalaga ako dahil sa SILVER LINING NA YAN.



Anyway, pinanuod ko ng LIVE ang laban mo, medyo badtrip na badtrip ako talaga kasi inaantay ko ang SLOW MO turn mo, kaso pambihira, gumising pa ako ng maaga pero hindi man lang nila na –close up na shot. Nag –aantay ang buong mundo sa slow mo na’yun.

Advertisement by Google:
Yan ata ang sinasabi nila na bumagal ang mundo ko nung Makita ka! Ganurn! Pinauso mo naman kasi ang slow mo na ‘iyan. Ayan tuloy pati traffic sa EDSA nag slow mo din.


Speaking of EDSA, san po ba inspired ang RED GOWN niyo, sa Traffic sa EDSA or sa LAVA sa bulkan. Pero ifairness, laking pasalamat ko talaga nung rumampa ka si the red gown, hindi natapat sayo ang baklang “CARSON”, or else ma ookray ka! Parang lahat ng gown ata, inokray niya – kesyo hindi siya fan sa ganyan design keme keme!  Crossfinger talaga ako na wag ka matapat sa kanya or else baka mabato ko ang TV ko, shit kakabili ko pa naman at nag huhulog pa ako sa Home Credit nito.




Idagdag mo pa yang dalawang co-host na never ka nabanggit. Well, you don't need any validation to win.




Anyway, diko alam na ang lakas mo pala. Nakaya mo buhatin ang parol ng Pampanga! I Love it.
Pero ang higit sa lahat, matutuwa sayo ang mga addict  sa pinas dahil sa sagot mo. About weeds legalization. Nakakaloka,  pag nagkaroon ng commercial “ hit hit moderately”  ang tagline.

Bongga ang earings mo sa final nights, it signifies the PH which is fortunately, bukas na bukas may ganyan na sa devisoria at magiging mabenta pa. May income na naman ang kababayan natin!


Overall, sobrang saya ko talaga at naiiuwi mo ang CORONA ng Miss World, este Miss Universe pala.

Well , sorry nalang sila, hindi ka pang miss world, pang universe ka talaga dai!




Nagkazero Crime ang PH dahil sa live broadcast ng laban mo! Dahil laban din naming to.

Aasahan mo pag –uwi mo, ikaw na ang kukunin ng BPI..



Why we should hire you?

Me:

“I work a lot in the slums of Tondo, Manila and the life there is very... it's poor and it's very sad. I've always taught myself to look for the beauty in it, to look in the beauty of the faces of the children and to be grateful. And I would bring this aspect as a Miss Universe to see situations with a silver lining, and to assess where I could give something, where I could provide something as a spokesperson. And this, I think, if I could teach also people to be grateful, we could have an amazing world where negativity could not grow and foster, and children will have a smile on their faces. Thank you.”

I’m so loving you… PROUD kami sayo! Iba ang PINAY. Kahit saan lupalop lumalaban!
Congats!

YOU MAY ALSO TAKE A LπŸ‘€K

0 comments:

Post a Comment

Dont forget to leave your footprints here!

Top Ad 728x90

 Support Me In Reaching My Dreams

⌨️ THIS WEBSITE IS EQUIPPED WITH EASY NAVIGATION USING YOUR ARROW KEY.

πŸ‘ CONTACT ME ON FACEBOOK

🐀 Follow me On Twitter

πŸ† ADS SPACE

πŸ—¨️ Recent Comments